dzme1530.ph

Luzon grid, isinailalim ng NGCP sa yellow alert

Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa yellow alert status, ngayong Martes ng hapon, bunsod ng kakulangan sa operating margin para maabot ang kasalukuyang demand.

Sa advisory, sinabi ng NGCP na isinailalim ang Luzon Grid sa yellow alert status simula ala una hanggang alas kwatro ng hapon.

Nangangahulugan ito na manipis ang reserbang kuryente sa grid base sa supply and demand.

Naitala ang available capacity ng grid sa 12,705 megawatts, kumpara sa peak demand na 12,222 megawatts.

Una nang inihayag ng Department of Energy noong Mayo na inaasahang magkakaroon ng yellow alert status sa loob ng labinlimang beses para sa natitirang bahagi ng taon, kasabay ng babala na posible rin ang red alert kapag nagkaroon ng trip sa transmission line. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author