Target ng Land Transportation Office (LTO) na matapos sa taong 2024 ang mga backlog ng motor vehicle at motorcycle plate.
Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza kung saan ay nakapag-order na aniya ang ahensya ng 15-M plates upang tugunan ang 179,000 o 13.2-M backlog ng mga nasabing sasakyan.
Sa kabila nito, sinabi ni Mendoza na tumaas sa 250,000 pairs ang delivery ng plaka para sa motor vehicles kada buwan, at ang production capacity sa 32,000 hanggang 120,000 pairs kada buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho