dzme1530.ph

LTO, sinuspinde ang lisensya ng vlogger dahil sa mapanganib na pagmamaneho

Loading

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng vlogger na si Cherry White matapos kumalat sa social media ang video nito na nagpapakita ng unsafe driving.

Ayon kay LTO Chief Asec. Greg Pua Jr., ang lounging posture ni White habang nagmamaneho, na may paa pang nakataas sa driver’s seat, ay maaaring magdulot ng aksidente.

Bilang isang media personality, may impluwensya umano si White kaya’t kailangang managot sa kanyang kilos.

Kasabay ng suspensyon, inisyuhan din siya ng show cause order upang personal na magpaliwanag sa LTO Central Office sa Quezon City.

About The Author