dzme1530.ph

LTO, napilitang i-print sa ordinaryong papel ang rehistro ng mga sasakyan

Napilitan ang Land Transportation Office (LTO) na mag-isyu ng Certificates of Registration na naka-print sa ordinaryong bond paper.

Paliwanag ni LTO Chief Vigor Mendoza, ilang araw na silang walang natatanggap na delivery mula sa National Printing Office (NPO) na nagsu-supply sa kanila ng security paper.

Sinabi ni Mendoza na nangako naman ang NPO na magde-deliver ng kinakailangang supply ngayong linggo.

Tinugunan ng ahensya ang potential shortage ng security paper noong Agosto nang maglabas ito ng guidelines sa paggamit ng Temporary Certificates of Registration.

Ipinag-utos ng LTO sa kanilang mga tanggapan na mag-print ng Temporary Registration Certificates gamit ang A4 bond paper kapag kinapos sila sa security paper.

Iku-konsiderang “valid for all legal purposes” ang temporary certificates hanggang sa mapalitan ito ng naka-print sa security paper. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author