Kinalampag ni Senador Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) na bumuo ng catch-up plan upang resolbahin ang milyun-milyong backlog ng mga plaka ng sasakyan.
Sinabi ni Poe na nakakadismaya na patuloy na nagsasakripisyo ang mga motorista sa kakulangan ng plaka sa kabila ng kanilang pagbabayad para rito.
Parusa anya ang pila sa pagpaparehistro o renewal subalit uuwi pa ang mga motorista na walang plaka.
Kailangan anyang resolbahin na ng gobyerno ang ganitong problema at papanagutin ang kanilang private providers na bigong tumugon sa kanilang responsibilidad.
Ipinaalala pa ng senador na nagdudulot ng panganib sa seguridad ang kawalan ng plaka ng behikulo bukod pa sa hindi ito makatarungan sa mga nagbayad ng kanilang plaka. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News