Binalaan ni Sen. Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) sa planong pagmultahin ang mga nagbebenta ng ng mga sasakyan na hindi nirerehistro.
Iginiit ni Poe na hindi dapat magpatupad ng mga polisiya na hindi handa ang ahensya at hindi pa nasusubukan kung gumagana.
Binigyang-diin ng senador na kailangan munang tiyakin ng LTO na maayos na ang kanilang sistema bago nila ito ipatupad ang patakaran.
Hangga’t maari ay gawing online ang lahat ng proseso upang hindi na kailangang magtungo sa opisina ng mga LTO ang sinumang Car Owner.
Una rito, inihayag ni LTO Chief Assistant Secretaryo Vigor Mendoza na plano na nilang ipatupad ang polisiya sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo kasunod ng kaso ng pananambang sa isang opisyal ng LTO na ang motorsiklong ginamit ng gunman ay matagal nang naibenta.
Bukod pa ito sa road rage sa Makati na kinasangkutan ni Gerard Raymund Yu na sakay ng kaniyang itim na Mercedez Benz na matagal nang naibenta sa kanya ng tunay na may-ari.