Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) at MMDA ang mga CCTV camera sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy, bunsod ng tumataas na bilang ng mga lumalabag sa EDSA busway.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang ahensya, ang MMDA ang magmomonitor ng CCTV para sa mga lalabag na motorista habang ang LTO ang magtatakda ng kaukulang parusa.
Pabor ang naturang arrangement sa LTO dahil limitado lamang ang bilang ng kanilang traffic enforcers.
Noong nakaraang taon ay pinagtalunan ang isyu ng data privacy sa pagpapatuloy ng oral arguments sa Korte Suprema hinggil sa petisyon na ipawalang bisa ang no-contact apprehension policy laban sa mga pasaway na motorista.