Hindi maniningil ng dagdag na pamasahe ang mga public utility vehicle (PUV) na bibiyahe pa rin sa gitna ng isang linggong tigil-pasada ng ilang transport group.
Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan nag-deploy sila ng rescue buses sa mga ruta ng public utility jeepney (PUJ) at UV Express upang tugunan ang kakulangan sa pampasaherong sasakyan.
Kaugnay nito, ang mga pasaherong sasakay sa ordinaryong rescue bus ay magbabayad ng katulad lamang sa ibinibayad nito sa mga tradisyonal na jeep habang katulad naman sa modern jeep ang singil sa mga pasaherong sasakay sa rescue bus na mayroong aircon.
Umaasa naman ang LTFRB na matutugunan ng kanilang hakbang ang pangangailangan ng publiko at matiyak na mananatiling tama ang singil sa mga pasahero.