Inatasan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors ng ahensya na simulan na ang pag-iinspeksyon sa lahat ng bus at iba pang transport terminals bilang paghahanda sa Undas.
Sinabi ni Mendoza na ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaginhawaan at kaligtasan ng mga biyaherong lulan ng pampublikong transportasyon.
Partikular na tinukoy ng LTFRB chief ang pagkakaroon ng malilinis na comfort rooms sa mga land transport terminals.
Kabilang sa iba pang requirements ng ahensya ay mga komportableng waiting areas at convenient booking process para sa mga pasahero.
Upang matiyak ang pagtatalaga sa mga panuntunan, magpapakalat ang LTFRB ng mystery passengers sa buong bansa upang masuri ang kondisyon ng mga bus station at terminal simula sa susunod na linggo.