dzme1530.ph

LTFRB, naglabas ng karagdagang special permits

Naglabas ng special permits para sa provincial buses ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang maiwasan ang delay sa pagdating ng mga bus sa mga terminal.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na alam nilang magkaka-problema sa bilang ng mga bibiyaheng bus kaya nagbigay na ang LTFRB ng karagdagang special permits.

Idinagdag ng kalihim na maari na ring dumaan sa EDSA ang mga provincial bus sa mga piling oras, simula bukas, Miyerkules Santo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay.

Samantala, sinuspinde naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme simula Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo.

Inanunsyo rin ng Pamahalaan ang ‘bantay lakbay’ hotline 1326 kung saan maaring humingi ng tulong ang mga biktima ng travel scam.

About The Author