dzme1530.ph

LTFRB, nag-aabang sa abiso ng DOTR para sa fuel subsidy

Hinihintay pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang abiso mula sa Department of Transportation (DOTR) para sa ₱1.6-B na subsidiya sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pagsirit ng presyo ng krudo.

Sinabi ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na mayroong batas na kapag umabot ang presyo ng crude oil sa $80 per barrel, maaari nang mag-release ng fuel subsidy.

Inihayag ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na noong nakaraang buwan ay nag-certify na ang kanilang ahensya sa LTFRB, DOTR, at Department of Agriculture para i-trigger ang subsidy program dahil umabot na sa $80 ang kada bariles ng krudo.

Sa ilalim ng programa, ang mga operator at drivers ng modern jeepneys ay makatatanggap ng ₱10,000 na halaga ng fuel subsidy habang ₱6,500 sa mga bus, mini bus, school bus, taxi, at traditional jeepney.

bibigyan naman ang delivery riders ng ₱1,200 na fuel subsidy habang ang tricycle drivers ay makatatanggap ng ₱1000.

About The Author