Naabot na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang target na bilang para sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, 96% ng traditional jeepney drivers at operators sa Metro Manila ang nakapag-consolidate na, habang 80% ang kabuuang bilang nationwide.
Iniuugnay ni Guadiz ang mataas na numero sa pagresolba ng pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto.
Partikular ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon ng Bayyo Association Inc. na kumukwestyon sa ligalidad ng PUV Modernization program.