Welcome sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon ng transport groups na tapusin ang kanilang planong isang linggong tigil pasada, dalawang araw matapos nila itong simulan.
Sa statement, sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na bukas ang kanilang ahensya para talakayin, kasama ang transport groups ang mga isyu tungkol sa Public Utility Vehicile (PUV) Modernization Program.
Idinagdag ni Guadiz na naniniwala ang LTFRB na walang sigalot o hindi pagkakaintindihan na hindi malulutas basta’t mag-uusap, magtutulong-tulong, magsasama-sama, at magkakaisa.
Kahapon ay nakipagpulong sina PISTON President Mody Floranda at MANIBELA Leader Mar Valbuena sa mga opisyal, kabilang si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, na dating chairperson ng LTFRB.
Matapos ang pulong ay idineklara ng transport leaders na magbabalik pasada ang kanilang mga miyembro ngayong Miyerkules, kasunod ng pagpapahayag ng suporta sa PUV Modernization sa paraang walang maiiwan, patas, makatao, at resonable.