dzme1530.ph

LTFRB: Mga Jeepney hanggang June 30 na lamang para bumiyahe

Hanggang Hunyo a-trenta na lamang maaring bumiyahe sa lansangan ang karamihan ng mga tradisyunal na Jeepney.

Ito’y dahil mag-e-expire na sa naturang petsa ang mga prangkisa ng traditional Jeepney matapos palawigin ng apat na beses ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa mga operator na bumuo ng kooperatiba.

Ang kooperatiba ay para sa mga operator upang kayanin nila ang pagbili ng mga bagong Jeepney na nagkakahalaga ng nasa 2.6 milyong piso ang bawat isa sa pamamagitan ng loans mula sa financial institutions.

Ayon sa LTFRB, ang mga traditional Jeepney lamang ng mga operator na nasa proseso ng paglipat sa kooperatiba ang exempted sa June 30 deadline.
Mayroon silang hanggang Disyembre ngayong taon para tapusin ang consolidation process.

About The Author