dzme1530.ph

LTFRB, MAGSASAGAWA NG HEARINGS SA PETITION FOR FARE INCREASE

Loading

Magsasagawa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng pagdinig at public consultation para talakayin ang petition for fare increase.

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na balansehin ang kapakanan ng mga commuter at pangangailangan ng transport sector.

 

Sinabi ni Mendoza na nauunawaan niya ang hinaing ng transport groups dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Huling nag-apruba ng provisional one peso fare hike noong October 2023.

 

May ilang petisyon ang naka pending sa LTFRB kabilang na ang hiling na gawing permanente one peso provisional fare hike. 

 

Bukod dito, may mga petisyon din para sa dalawang pisong dagdag na singil.

About The Author