dzme1530.ph

LTFRB, magbibigay ng ₱400-K sa bawat pamilya ng mga nasawing pasahero sa karambola ng mga sasakyan sa SCTEX

Loading

Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbigay ng ₱400,000 sa pamilya ng bawat nasawing pasahero sa karambola ng mga sasakyan, sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Ginawa ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III ang pahayag, kasunod ng trahedya sa highway, na idinulot ng isang pampasaherong bus at nagresulta sa pagkamatay ng 10 katao at ikinasugat ng 37 iba pa.

Sinabi ni Guadiz na inatasan na niya ang Passenger Accident Management & Insurance Agency (PAMI) na agad tugunan ang pangangailangan ng mga nasangkot sa karambola.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Police Regional Office Central Luzon, sinalpok ng bus ang likurang bahagi ng nakatigil na SUV at iba pang mga sasakyan sa Northbound ng SCTEX Toll Plaza.

About The Author