Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator ng public utility vehicles (PUV) na sa April 30 na ang consolidation daedline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Binigyang diin ni LTFRB Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, na pinal na ang naturang extension sa consolidation na ipinagkaloob ng Pangulo noong Enero.
Nangangahulugan aniya ito na pagsapit ng April 30 ay hindi na papayagang pumasada sa mga ruta sa Metro Manila ang mga PUV operator na hindi nagpa-consolidate.
Layunin ng tatlong buwang extension na mabigyan pa ng panahon ang mga nagnanais na magpa-consolidate pero hindi nakahabol sa naunang deadline.