dzme1530.ph

LTFRB, hindi pa alam kung magkano ang matatanggap na subsidiya ng mga tsuper

Loading

Hindi pa masabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung magkano ang subsidiya na matatanggap ng bawat tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, pagkakasyahin nila ang ₱2.5 billion sa mga driver ng jeepney, mga UV Express, at taxi.

Humingi si Guadiz ng dalawa hanggang tatlong araw para ma-kwenta ng ahensya kung magkano ang matatanggap na fuel subsidy ng mga driver.

About The Author