dzme1530.ph

LTFRB, dinepensahan ang panukalang mandatory na ₱2K retraining at psychological profiling para sa PUV drivers

Loading

Ipinagtanggol ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang panukalang ₱2,000 na babayaran ng PUV drivers para sa franchise renewal.

Kaugnay ito sa anunsyo kamakailan ng LTFRB na lahat ng PUV drivers at mga konduktor ay oobligahing sumailalim sa komprehensibong training sa road safety bilang prerequisite sa pagre-renew ng prangkisa.

Ayon kay LTFRB Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, kasama sa dalawang araw na mandatory training ang “psychological profiling” at basic life support at first aid training na isasagawa ng accredited driving schools at clinic.

Aniya, nagtakda sila sa ahensya ng cap na ₱2,000 per participant bilang enrollment fee.

Depensa ng LTFRB chief, makatwiran naman ang naturang halaga dahil noong nasa Land Transportation Office pa siya at wala pa aniyang cap, ay nasa ₱5,000 hanggang ₱6,000 ang sinisingil, kaya kailangan nilang protektahan ang mga tsuper.

About The Author