dzme1530.ph

LTFRB, binalaan ang mga “kamote” driver na tatanggalin sa kalsada

Loading

Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga motorista na doblehin ang pag-iingat ngayong Semana Santa, kasabay ng babala na zero tolerance para sa “kamote” drivers na magpapasaway sa mga kalsada.

Sinabi ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III na kailangan nang mahinto at maalis sa kalsada ang mga kamote driver na banta sa kaligtasan ng publiko.

Inihayag naman ni LTFRB Spokesman, Atty. Ariel Inton na naglabas na ang ahensya ng preventive suspension laban sa bus company na nasangkot sa aksidente sa North Luzon Expressway (NLEX) na ikinasugat ng labintatlo (13) katao kahapon.

Batay aniya sa desisyon ng board, saklaw ng suspensyon ang anim na units ng bus company.

About The Author