dzme1530.ph

Lt. Gen. Romeo Brawner, napili ng Pangulo bilang susunod na AFP Chief of Staff

Napili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Army Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inanunsyo ng Presidential Communications na si Brawner na ang sunod na mamumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Papalitan niya si current AFP Chief of Staff General Andres Centino.

Si Brawner ay kasalukuyang nagsisilbing Commanding Gen. ng Philippine Army.

Samantala, sinabi rin ng PCO na ia-appoint si Centino bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author