dzme1530.ph

LRTA officials, kinasuhan ng Ombudsman

Sinampahan ng kasong katiwalian ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) dahil sa umano’y maanomalyang propulsion at monitoring system ng LRT-2 trainsets.

Kinasuhan ng anti-graft advocate lawyer na si Atty. Gerry Francisco sina Jeremy Regino, Hernando Cabrera, Santos Abrazado, Paul Chua, Jose Jobel Belarmino, Federico Canar, Cesar Legaspi, Hilfred Tusing, at Aylwinston Pillos dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.

Kabilang sa mga inireklamo ang ilang kinatawan ng LRTA contractors na Multiscan, Brownsteel at Worldleaders na sina Yollee Ong-Ramos, Joseph Ramos, Ma. Grazia Lee, at dalawa pang Korean ng Woo Jin Corporation.

Nakasaad sa complaint affidavit ni Francisco na nakipagsabwatan umano ang mga opisyal sa mga pribadong respondent gamit ang imaginary scenario ng “upgrade works” at iligal na mga batayan para dayain ang gobyerno.

Pumayag aniya ang government officials na gamitin bilang “guinea pig” ng mga contractor ang tatlong maayos at tumatakbong LRT-2 trainset para lamang i-check ang mga kagamitan ng Woojin Korea, na maaari sanang kumita pa kung ginamit na lamang ito para magsakay ng mga pasahero. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author