dzme1530.ph

LRT-2, may alok na libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Loading

Libre ang sakay sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) sa June 12 sa pagdiriwang ng 127th Independence Day ng Pilipinas.

Kinumpirma ito ng pamunuan ng LRT-2 matapos unang ianunsyo ng National Historical Commission of the Philippines ang alok na Libreng Sakay.

Maaring i-avail ang free ride simula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM sa lahat ng LRT-2 stations.

Hindi pa nag-aanunsyo ang mga pamunuan ng MRT-3 at LRT-1 kung mayroon din silang alok na libreng sakay sa Araw ng Kalayaan.

 

 

About The Author