dzme1530.ph

LRT-2 at PCG, may alok na Libreng Sakay sa mga kababaihan ngayong Women’s Month

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month, may alok na Libreng Sakay ang LRT-2 sa mga kababaihan, bukas, araw ng Biyernes.

Ayon sa Light Rail Transit Authority, ang libreng sakay ay maaring ma-avail ng mga babaeng pasahero simula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.

Samantala, may alok ding libreng sakay ang Philippine Coast Guard sa female commuters na maghahatid sa kanila mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange papuntang MOA bago magtungo sa Cubao, Quezon City, at vice versa.

Nagsimulang ma-available ang serbisyo, kahapon, March 6, at sa March 13 at 20, ala-6 ng umaga at ala-5 ng hapon.

About The Author