Isa nang ganap na bagyo na tatawaging “Egay” ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA.
Sa datos ng state weather bureau kaninang alas-11:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 900 kilometro sa silangan timog-silangan na bahagi ng Luzon.
Taglay ng Bagyong Egay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.
Mabagal na kumikilos ang bagyo patungong hilaga hilagang-kanluran at hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan.
Sa ngayon, wala pang lugar na nakasailalim sa tropical cyclone wind signal, subalit asahan pa rin ang maulan na panahon sa ilang lugar sa bansa dulot ng southwest monsoon o habagat at trough ng bagyo. —sa panulat ni Airiam Sancho