Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mai-base sa Metro Manila ang Loss and Damage Fund Board.
Sa courtesy call sa Malakanyang ng Board Members ng Fund for Responding to Loss and Damage, inihayag ng Pangulo na magiging malaking tulong sa Pilipinas ang loss and damage fund, dahil isa ito sa mga pinaka-apektado ng Climate change.
Iginiit pa ni Marcos na kailangan nang madaliin ang board work ng pondo, upang makahanap ng solusyon at hindi na magdusa pa ang mga Pilipino.
Mababatid na nakakuha ng seat o pwesto ang Pilipinas sa Loss and Damage Fund Board, o ang pondong gagamitin upang tulungan ang maliliit o mahihirap na bansang pinaka-apektado ng nagbabagong panahon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News