Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act no. 12019 o ang “Loss and Damage Fund Board Act.”
Ito ay sa harap ng pagkakapili sa Pilipinas bilang host ng loss and damage fund, o ang pondong gagamitin upang tulungang makabangon ang mga bansang pinaka-apektado ng climate change.
Sa ilalim ng batas, itinakda ang juridical personality at legal capacity ng Loss and Damage Fund Board, kabilang ang pagbuo ng mga kontrata, pangangasiwa ng properties, at pagsasagawa ng mga aktibidad at legal proceedings.
Magkakaroon din ito ng ligal na kapasidad sa pakikipag-negosasyon at paglahok sa hosting arrangement sa World Bank.
Ang pagiging host ng Pilipinas ng Loss and Damage Fund ay naka-linya rin sa mga adhikain nito bilang party nation sa United Nations Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News