dzme1530.ph

Lorna Tolentino, muntik nang magkaroon ng hypothyroidism

Laking pasasalamat ni Lorna Tolentino na naagapan niya ang pagkakaroon ng hypothyroidism.

Sa isang panayam, matapang na inamin ng aktres na nagkaroon siya ng hormonal imbalance na kung hindi aniya nakita agad ay posibleng mauwi sa hypothyroidism.

Isa pa umano niyang ininda ay ang strain sa kanyang tuhod o knee tear, kaya niya kinailangang sumailalim sa therapy.

Kwento ng aktres, una niyang napansin ang bigla niyang pagtaba na kulang na lang aniya ay putukin, habang nagshu-shoot sila para sa “Ang Probinsyano”.

Kalaunan aniya ay nagkaroon din siya ng knee problem dahil sa kanyang kakalakad ng naka heels every time na meron silang rest period sa set.

Mabuti na lang aniya ay kaagad niya itong pina-check up at pinagamot bago siya pumasok sa panibago na namang teleserye, ang “Batang Quiapo”. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author