dzme1530.ph

Long March 7 rocket ng China, inilunsad na kaninang umaga; mga debris maaaring bumagsak sa ilang karagatang sakop ng Pilipinas

Loading

Inilunsad na ng China ang kanilang Long March 7 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan, kaninang 5:34 a.m., oras sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ng Philippine Space Agency, kung saan inaasahang babagsak ang ilang debris sa mga karagatang sakop ng Pilipinas, kabilang ang:

-33 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc

-88 nautical miles mula sa Cabra Island, Occidental Mindoro

-51 nautical miles mula sa Recto Bank

-118 nautical miles mula sa Busuanga, Palawan

Paalala ng PhilSA, huwag lalapitan o hahawakan ang anumang kahina-hinalang bagay na maaaring nagmula sa rocket ng China at agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.

About The Author