dzme1530.ph

Lokal na industriya, kawawa sa tariff deal ng Pilipinas sa Estados Unidos

Loading

Kawawa ang lokal na industriya sa bansa kapag bumaha ng imported na produkto mula sa Estados Unidos.

Ito ang babala ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri kasunod ng kasunduan na walang ipapataw na taripa ang bansa sa mga produkto mula sa Estados Unidos, habang 19 percent ang taripa sa mga produktong mula sa Pilipinas na papasok ng Amerika.

Sinabi ni Zubiri na tila lugi ang bansa sa nangyaring kasunduan, dahil kapag bumaha ng imported na karne, manok, at mais mula sa Amerika, tiyak na pinaka-kawawa rito ang mga magsasaka. Hindi rin malayong ikamatay nito ang local agriculture sector.

Alinsunod aniya sa zero tariff deal para sa ilang produkto ng U.S., mahihirapan ang mga lokal na produkto na makipagsabayan sa presyo.

Hindi rin naiwasan ng senador na maikumpara ang Pilipinas sa Japan—na kaalyado rin ng U.S.—kung saan mula sa 27.5 percent ay naibaba nila ang taripa sa 15 percent.

Ipinunto ni Zubiri na kung tunay na kaalyado ang trato sa atin ng Estados Unidos, dapat ay naibigay rin sa atin ang parehong mutual respect sa trade policy, gaya ng sa Japan.

About The Author