Nagkainitan sina Davao del Norte Provincial Governor Edwin Jubahib at si National Electrification Administration (NEA) Deputy Administrator for Electric Cooperative Management Services Omar Mayo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa problema sa madalas na brown-out sa lalawigan.
Ito ay matapos ang galit na pagsumbong sa Senado si Jubahib na walang katotohanan ang claim ng Northern Davao Electric Cooperatives Inc. (NORDECO) na wala nang nangyayaring rotational brownout sa Samal island at sa iba pang distrito ng lalawigan.
Sinabi ni Jubahib na wala nang katapusan ang brownout at nagkandalugi na ang mga negosyo bukod sa marami na ang nasirang gamit ng mga tao dahil sa brownout.
Gayunman, ang ginagawa ng NEA ay palaging dinedepensahan ang NORDECO kaya tanong din ni Senador Raffy Tulfo ay sa magkano nag-usapan.
Pinagalitan din ni Tulfo ang NORDECO at NEA dahil mas inuuna ng mga ito ang mangolekta ng pera sa mga tao subalit wala namang maibigay na maayos na serbisyo.
Samantala, pinatunayan din ni Senador Bong Go na tuloy-tuloy pa rin ang brownout sa lalawigan at katunayan nitong Hunyo ay personal na nasaksikan ang kawalan ng suplay ng kuryente sa kanyang event sa Tagum City. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News