dzme1530.ph

Local food producers, dapat ikonsidera sa pagbabawas ng taripang ipinapataw sa imported na bigas

“Ang pag-suporta sa local farmers ang pinaka epektibong hakbang upang tapatan ang inflation.”

Ito ang sinabi ni AGRI-Partylist Rep. Wilbert “Manoy” Lee, matapos basbasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagtapyas sa taripa sa imported rice.

Aminado si Cong. Lee na daan ang pagbabawas sa taripa upang mapababa ang presyo ng bigas at mapahupa ang inflation, at makakatulong kung palalakasin lalo ang suporta sa local farmers.

Aniya, sa bawat polisiya dapat laging ikonsidera ang local food producers, dahil sila ang aaray kung dadagsa ang imported na produkto.

Diin pa ng mambabatas, hindi dapat laging nakaasa ang Pilipinas sa importasyon dahil sa dami nang nangyayari sa ibang mga bansa gaya ng giyera, sakuna, El Nino, climate change at iba pa, ay posibleng ihinto ng mga bansang ito ang pag-export ng kanilang produkto.

Ang May 2024 inflation rate ay pumalo sa 3.9%, at nanatiling mataas ang presyo ng pagkain.

About The Author