dzme1530.ph

Local battery production, posibleng sagot sa problema sa enerhiya —PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagkakaroon ng lokal na produksyon ng baterya ay maaaring maging sagot sa problema sa suplay ng eherhiya at iba pang energy-related issues sa bansa.

Ayon sa pangulo, ang battery production ay naging mahalagang bahagi na ng mga negosyo sa harap ng pag-usbong ng climate change kung saan apektado ang Pilipinas.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na kinakailangan ng teknolohiya, malaking kapital, resources, at maigting na partisipasyon mula sa industriya upang makapag-produce ang bansa ng baterya.

Kaugnay dito, iginiit ng chief executive na mula sa kasalukuyang mineral extraction, posibleng makapag-manufacture na rin ang Pilipinas ng baterya kung magiging available ang green metals tulad ng cobalt at nickel.

Mababatid na ang kakapusan sa power supply ay isa sa mga bantang kinahaharap ng bansa bunga ng nagbabadyang El Niño.

Tiniyak naman ng pangulo na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang makapag-adopt ang bansa sa renewable energy mula sa traditional fossil fuels. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author