dzme1530.ph

LJ Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Ginulat ng aktres na si LJ Reyes ang netizens sa inanunsyo nitong magandang balita na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni LJ ang ilang mga larawan mula sa proposal ng kanyang fiancé.

Naka-private ang Instagram account ni Philip kaya walang pang ibang impormasyong tungkol sa kanyang pagkakakilanlan.

Matatandaang halos dalawang taon na ang nakalipas nang lisanin ng aktres ang Pilipinas dahil sa paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author