dzme1530.ph

Liza Soberano, pinangalanan bilang isa sa ‘exciting young actors’ sa Hollywood

Bagaman wala pang Hollywood debut, tila nakuha na ni Liza Soberano ang atensyon ng Global press makaraang kilalanin ito bilang “one of the most exciting young actors to watch out for.”

Si Liza, kasama ang lima pang up-and-coming stars, ay pinangalanan bilang isa sa “exciting young actors” sa Hollywood ng US-based lifestyle magazine na “Town and Country,” na makikita sa kanyang Instagram account.

Binanggit din sa magazine ang maningning na career ng Forevermore star sa Pilipinas, kung saan inilarawan siya bilang “veteran model and actress” na nakatakdang mag-debut bilang Hollywood star sa pelikulang “Liza Frankenstein.”

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ang aktres tungkol sa pagbabahagi nito ng love team culture sa Philippine showbiz, dahil ilang taon itong ipinareha sa kanyang reel-and-real sweetheart na si Enrique Gil. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author