dzme1530.ph

Listahan ng mga pagpipiliang mamumuno sa Maharlika Investment Corp., isusumite sa Pangulo ngayong buwan

Isusumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang listahan ng mga pagpipiliang mamumuno sa Maharlika Investment Corp., bago matapos ang buwan.

Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno, sa araw ng Biyernes. Setyembre a-29, ay magre-rekomenda ang advisory board sa Pangulo ng mga pangalan para sa executive positions sa Maharlika Fund body.

Kabilang dito ang mga maaaring maging President at Chief Executive Officer, dalawang board directors, at tatlong independent directors.

Matatandaang una nang sinabi ng Pangulo na hindi dapat manggaling sa pulitika ang mamumuno sa Maharlika Investment Corp., na itong mamamahala sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.

Una na ring tinawag na ispekulasyon ni Diokno ang balitang pinalitan na umano siya bilang DOF Sec. para maging pinuno ng Maharlika Fund body. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author