dzme1530.ph

Listahan ng mga nago-operate na POGO, dapat isapubliko

Hinimok ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, na isapubliko ang listahan ng mga lehitimo o lisensyadong POGO, at maging ang mga illegal na POGO na nag-o-operate sa bansa.

Ang panawagan ni Barbers ay kasunod ng pahayag ni Tengco na may isang dating Cabinet official ang nag-lobby para maging ligal ang mga illegal na pinapatakbong POGO noong nakalipas na administrasyon.

Para sa chairman ng Committee on Dangerous Drugs, ang mga POGO sa bansa lisensyado man, lehitimo o illegal, lahat ay front ng criminal activities o “One Stop Shop of Criminal Activities.”

Pugad aniya ito ng money laundering, drug trafficking, human trafficking, protektor ng sindikato na konektado sa pagpatay, kidnapping, torture, panggagahasa hanggang sa lebel ng politiko.

Pangamba nito, kung patuloy itong makakapag-operate, magiging normal na lamang ang mga maling gawain hanggang sa tanggapin na lamang ito bilang “normal norms.”

Nagbabala pa si Barbers na may bagong taktika ngayon ang POGO dahil mga Vietnamese, Malaysians at Indonesians ang ngayon ay nere-recruite na magtrabado dito kapalit ng mga Chinese worker.

About The Author