Maaaring maisumite na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong mataas na posisyon sa Maharlika Investment Corporation (MIC).
Kinabibilangan ito ng President and CEO ng MIC, regular directors at independent directors.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno na sa ngayon ay naihanda na ang listahan ng mga kandidato.
Sa pagtaya ni Diokno, posibleng sa unang bahagi ng 2024 o ng susunod na taon ay maging operational na ang MIC at magsisimula na itong mamuhunan sa mga infrastructure projects.
Kinumpirma rin ng kalihim na sa ngayon ay kumpleto na ang pag-remit ng Landbank of the Philippine at Development Bank of the Philippines (DBP) ng kapital sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Bukod sa P75-B mula sa Landbank at DBP ay may dagdag pang P31-B mula sa dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pwedeng gamitin. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News