dzme1530.ph

Listahan ng mga bawal dalhin sa pagsakay sa barko, inilabas na ng PPA

Mahigpit ang paalala ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga biyahero kaugnay sa mga bawal dalhin sa kanilang pagsakay sa mga barko sa mga pantalang nasa ilalim ng ahensiya.

Kabilang sa mga bawal ay ang pagdadala ng pork meat at pork products sa Mindoro, Marinduque, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Bacolod, Bohol, Ormoc, Camiguin, Zamboanga, Isabela at iba pang lugar sa Pilipinas.

Bawal din ang pagdadala ng karne ng manok sa Masbate, Iloilo, Bacolod, Bohol at Cebu habang mahigpit ding ipinagbabawal ang paglalabas ng mangga at buto nito mula sa Puerto Princesa, Palawan.

Kasama rin sa kinukumpiska sa ilang pantalan sa bansa ang mga seashell,  wildlife animals at hindi dokumentadong prutas at halaman bilang pagsunod sa mga alintuning ipinatutupad ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.

Ang pagkumpiska sa mga ito ay isinasagawa ng PPA katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan at LGUs na nakakasakop sa partikular na pantalan. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author