Magsusumite ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng listahan ng lahat ng flood control projects ng ahensya bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ambush interview matapos ang SONA kahapon, sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na na-audit na ang mga proyekto bago ito tinanggap ng pamahalaan.
Ipinahayag din ng kalihim na imo-monitor ng ahensya ang lahat ng kasalukuyang flood control projects at iimbestigahan kung may anomalya.
Dagdag ni Bonoan, regular naman silang nagsusumite ng project reports sa Pangulo.