dzme1530.ph

Lisensya ng SUV driver sa road rage incident sa Subic, sinuspinde ng LTO

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-day preventive suspension ang lisensya ng driver ng SUV na sangkot sa insidente ng road rage sa Subic, Zambales.

Huli sa video ang SUV driver na binangga ang isang kotse na nakaparada sa gilid ng daan.

Kamuntik na ring mahagip ng motorista ang isang babae na naglalakad, kasama ang senior citizen na nagmamaneho ng sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang 70-year old na Retired Judge kasama ang kanyang assistant nang mag-overtake ang SUV at ilang beses inatrasan ang kotse habang nagma-maniobra, saka humarurot paalis.

Bukod sa suspensyon, nag-isyu rin ang LTO ng show-cause order sa driver at sa may-ari ng sasakyan para magpaliwanag tungkol sa insidente, sa LTO Regional Office III, sa March 1.

About The Author