dzme1530.ph

LINGGUHANG EARTH HOUR, ISINUSULONG NG DOE PARA MAKATIPID SA KONSUMO NG LANGIS AT KURYENTE

Loading

Hinimok ni Energy Secretary Sharon Garin ang mga Pilipino na makibahagi sa pagpapababa ng konsumo sa langis at kuryente.

 

Inirekomenda ng Department of Energy (DOE) sa mga Pinoy na magpatupad ng Earth Hour kada linggo.

 

Sinabi ni Garin na isusulong ng ahensya ang implementasyon nito sa pamamagitan ng advisory.

 

Sa Earth Hour noong nakaraang buwan, nakatipid ang bansa ng 145.5 megawatts ng kuryente.

 

Naniniwala ang kalihim na sa pagsasagawa ng Earth Hour kada linggo ay mauunawaan ng mga tao ang epekto ng pagtitipid sa resources sa gitna ng limitadong supply.

About The Author