dzme1530.ph

Line-up ng mga manlalarong sasabak sa Asian Championships, inilibas na

Inilabas na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang line-up para sa Asian championships na itinakda sa July 12 hanggang 16 sa Pattaya, Thailand.

Kabilang sa mga manlalaro na sasabak sa laban ang Cambodia Southeast Asian Games Champion na si EJ Obiena, Fil-Am runner na si Majesty Williams, Filipino runner na sina Micahel Carlo Del Prado, Frederick Ramirez, Joyme Sequita, at iba pa.

Kasama rin ang medalists sa Cambodia Sea Games na sina Janry Ubas, Annie Ramirez, Arland Arbois, at iba pa.

Nabatid na bahagi ang Asian championships ng paghahanda ng pambansang koponan para Sa asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author