dzme1530.ph

Lindol sa Taiwan, walang epekto sa fault systems ng Pilipinas ayon sa PHIVOLCS

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba na posible ring magdulot ng paggalaw ng lupa sa Pilipinas ang tumamang magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na ang lindol sa Taiwan ay walang koneksyon sa magiging aktibidad ng earthquake generators sa bansa.

Sakaling magkaroon umano ng lindol dito, ito ay dahil sa pagiging aktibo ng mismong fault systems ng bansa dahil bahagi tayo ng Pacific Ring of Fire.

Hindi rin aabot ang pagyanig kahit pa sa Northern Luzon na pinaka-malapit sa Taiwan.

Ang maaaring maging epekto lamang umano nito ay ang tsunami, ngunit sa ngayon ay binawi na ang itinaas na tsunami warnings dahil wala ring na-obserbahang pagbabago sa sea levels ng bansa.

About The Author