dzme1530.ph

Limitadong paggamit ng mga kandidato sa Socmed tuwing campaign period, ipinanawagan ng Comelec

Hinimok ni Comelec Chairman George Garcia ang kongreso na bumalangkas ng batas upang malimitahan ng poll body ang mga post sa social media ng mga kandidato tuwing campaign period.

Sinabi ni Garcia na problema talaga ang fake news, misinformation, at disinformation, na kapag nakita ng ilang kababayan sa social media ay itinuturing na nilang balita.

Inamin ng poll chief na ang magagawa lamang nila ay makipag-coordinate sa social media administrators para alisin ang post, na inaabot pa aniya ng ilang buwan.

Mahalaga rin aniya na ma-monitor ng Comelec ang gastos ng kandidato sa kanilang social media campaign.

About The Author