dzme1530.ph

Limanlibong overseas job opportunities, alok sa DMW Mega Job Fair ngayong araw na ito

Loading

AABOT sa 5,000 overseas job opportunities ang alok ng Department of Migrant Workers ngayong araw na ito sa kanilang Overseas Mega Job Fair, dito sa Robinsons Galleria, Quezon City.

 

Tema ng job fair ngayong Labor Day ang Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipina.

 

Nakiiisa sa job fair ang 11 DMW-accredited recruitment agencies kinabibilangan ng 8 land-based agencies at tatlong sea-based agencies.

 

Kabilang sa mga alok na trabaho ay sa Middle East partikular sa Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Oman; gayundin sa Asya kabilang na sa Japan, Taiwan, Macau at Brunei Darussalam.

 

Sa North America, may mga trabahon rin para sa United States of America at Guam habang sa Europe bukas din ang Croatia, Germany, Lithuania at United Kingdom.

 

Samantalang may mga trabaho rin sa British Virign Islands, Maldives at Antigua.

 

Ilan sa mga trabaho ang ay para sa mga medical technicians, nurses, caregiver, farmers, welders, receptionists, hair dressers, seafarers at factory workers

 

Mayroon din munang pre-orientation seminar ang DMW para sa mga manggagawa kung saan tinatalakay ang mutual agreement at ang tamang paggastos ng kanilang matatanggap na sweldo.

About The Author