![]()
Hindi lahat ng taong gustong magpapayat ay madaling nakakamit ang nais na timbang.
Pero kadalasan, ayon sa mga eksperto, may mga bagay na ginagawa ang mga nais magpapayat na maling hakbang sa pagpapapayat.
Una na rito ang pag-iisip na disiplina agad sa halip na resilience. Tandaan na ang pagpapapayat ay hindi intensity kundi sustainability at hindi lamang one-time goal.
Ikalawa, yung pakiramdam na dapat kang mag-suffer. Halimbawa nito ay kung napahinga ng isang araw sa pag-eehersisyo ay kailangang bawiin kinabukasan o doblehin ang sakit sa katawan. Tandaan na sa pagpapahinga ay hindi nabubura ang anumang progreso na ginagawa. Pausing is not stopping.
Ikatlo, palagi na lang nakatingin sa pisikal na resulta at hindi tinitingnan ang internal results tulad ng mas maayos na tulog, high endurance at madali nang nakakahinga.
Ikaapat, ang pakikinig sa maling tao. Tandaan na kapag nagpapapayat, maraming payo at maraming sinasabi ang iba subalit kadalasan ay hindi naman nakakatulong.
At ikalima, ang mahigpit na restriction. Tandaan na ang goal sa pagpapapayat ay balance energy. Health is finding equilibrium—ito ay pagiging masaya dahil mayroon kang functional body.
