Para kay Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima, hindi dapat matapos sa lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno, partikular sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay De Lima, hindi na bago ang naturang utos dahil malinaw na nakasaad sa batas ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Suportado aniya ang hakbang ng Pangulo, subalit mas mainam umano na maisabatas na rin ang Freedom of Information (FOI) bill.
Layunin nito na lubos na maitaguyod ang karapatan ng publiko sa impormasyon at maipatupad ang constitutional policies ng “full disclosure” at transparency sa serbisyo.
Giit pa ni De Lima, kung nais talagang sugpuin ang korapsyon, hindi dapat ito maging ningas-kugon, patingi-tingi, o may pinipili lamang.
Aniya, lahat ng nagnanakaw sa kaban ng bayan ay dapat mapanagot at makita sa loob ng kulungan.