Nagbabala ang PAGASA na life-threatening conditions ang posibleng maranasan sa hilagang bahagi ng Northern Luzon, habang papalapit ang super typhoon Nando sa Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng mata ng bagyo, sa layong 110 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan kaninang 10:00A.M.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 kilometro kada oras malapit sa sentro at bugso na hanggang 265 kilometro kada oras.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals ang mga sumusunod na lugar:
TCWS No. 5
Babuyan Islands
TCWS No. 4
Katimugang bahagi ng Batanes: Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang
Hilagang bahagi ng Cagayan: Santa Ana, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Camalaniugan
Hilagang bahagi ng Ilocos Norte: Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg, Adams
TCWS No. 3
Rest of Batanes
Gitnang bahagi ng Cagayan: Lal-lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Sto. Niño, Lasam, Allacapan, Rizal, Amulung, Piat
Hilagang at gitnang bahagi ng Apayao: Flora, Sta. Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao
Rest of Ilocos Norte
TCWS No. 2
Rest of Cagayan
Isabela
Rest of Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Hilagang bahagi ng Benguet: Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan
Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya: Diadi
Ilocos Sur
Hilagang bahagi ng La Union: Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santol
TCWS No. 1
Quirino
Rest of Nueva Vizcaya
Rest of Benguet
Rest of La Union
Pangasinan
Aurora
Nueva Ecija
Bulacan
Tarlac
Pampanga
Zambales
Hilagang bahagi ng Quezon: General Nakar kabilang ang Polillo Islands
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maghanda sa malalakas na hangin, buhos ng ulan, posibleng baha at storm surge, at sumunod sa mga kautusan ng lokal na pamahalaan ukol sa agarang paglikas.