dzme1530.ph

Liderato ng Senado, suportado ng ilang Reelectionist at mga magbabalik na Senador

Loading

Suportado ng liderato ng Senado sa pangunguna ni Senate President Francis Chiz Escudero ang ilang kasamahan nilang reelectionist at mga magbabalik sa Senado sa kanilang kanidatura para sa May midterm elections.

 

Sa Sorsogon, inendorso ni Escudero si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. upang makuha ang suporta ng mga residente.

 

Bilang patunay ng pagkakaisa at suporta, nangako ang mga lider ng Sorsogon na ipapanalo si Revilla sa lalawigan.

 

Bukod sa senate leader, nagpahayag din ng suporta kay Revilla sina Gov. Boboy Hamor, Vice Gov. Jun Escudero, Rep. Dette Escudero, Rep. Wowo Fortes, at lahat ng mga alkalde, bise alkalde, miyembro ng sangguniang panlalawigan, at mga konsehal mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

 

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang tuloy-tuloy na pagsusumikap na iangat ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang serbisyong publiko na Aksyon sa Tunay na Buhay.

 

Nauna na ring nagpahayag ng suporta si Escudero kasama si Senador Joel Villanueva sa kandidatura ng isa pang Alyansa senatorial candidate na si dating Senador Manny Pacquiao.

 

Sinabi ni Villanueva na umaasa silang muling makakasama si Pacquiao sa pagsusulong ng mga panukalang magpapatibay sa mga pinapahalagahan ng pamilyang Pilipino at moralidad ng mga kababayan.

 

Suportado naman nina Senators Sherwin Gatchalian at JV Ejercito ang muling pagtatangka ni dating Senador Bam Aquino na makabalik sa Senado.

 

Sinabi nina Gatchalian at Ejercito na nakasama na nila sa pagbalangkas ng mga panukala si Aquino at kilala nila ang dedikasyon nito sa trabaho,

About The Author